The shooting incident involving Kapamilya actress Kim Chiu and two other companions (her PA and driver) shocked everyone early morning at 6am, in Quezon City last week (March 4, 2020). Because of this unfortunate incident, some people have been giving false judgments, insinuations and speculations rather than letting the police authorities and the NBI finish the investigation on the case.
SPECULATIONS AND HEARSAYS
Iba-ibang opinyon at ispekulasyon mula sa mga netizens ang umiikot ngayon na kesyo bakit daw mas inuna pa ni Kim mag-taping kesa dumirecho sa pulis at mag-report?
Heleeer, kung nakinig kayo sa interbyu ni Kim sa TV Patrol the day the ambush happened, binanggit ng aktres na dumating sa pinangyarihan ng insidente ang mga pulis at NBI kaya iniwan na niya roon ang van niya for further investigation.
NOT SCRIPTED
Isa pang bumatikos kay Kim ay ang dating broadcaster na si Jay Sonza. Sa FB post nito, lantarang sinabi Mr. Sonza na isang malaking “drawing” lamang daw para sa kanya ang nangyari kay Kim.
Kumbaga, scripted lahat.
Ay ba’t ganoon?
Kahit sino ay hindi gugustuhing malagay ang buhay sa alanganin lalo na ang mamatay nang walang kalaban-laban. May teleserye ngayon si Kim na Love Thy Woman kaya hindi na niya kailangan pang umeksena sa Ang Probinsyano, noh?!
The negative vibes and questions didn’t stop at Mr. Sonza’s comment. There are others who also lambasted Kim for being comforted by ABS-CBN Bosses after the incident. Anong masama duon? Talent nila si Kim at natural lang na bigyan nila ito ng suporta sa mga ganitong pagkakataon.
Kim already explained her side why she decided to push through with her taping, “Siguro adrenalin rush na rin, na tara taping tayo…”
That was why she was fetched by her other driver and left her van in Katipunan for further investigation.
And she thought of going to work para na rin mawala saglit sa isip niya ‘yung hindi magandang nangyari sa kanya.
Walang taong gugustuhing malagay sa alanganin ang buhay niya. Walang drawing ‘dun.
SILENT KIM
Matapos ang ambush at kung anu-anong nasabi tungkol sa nangyari kay Kim Chiu, she has now chosen to be silent on social media and other events on television. No interviews are being aired about her. Malamang, ngayon na nag-sink in ang matinding trauma kay Kim na sana in time ay malampasan niya.
Kim pointed out during her interview. “Wala naman akong kaaway, ako pa ba? Walang kaaway ang pamilya ko.”
After the incident, the Quezon City police formed an 8-member special investigation task force to look into the case and everyone is eagerly waiting for updates.
Kung sino ang mga salarin, sino and mastermind at kung ano ang motibo nila?
Mistaken identity nga lang ba?
Sino nga ba ang tunay na target ng gunmen?
Abangan!