Blockbuster!
Yes, Kim Chiu is earning millions again. But uh oh not in the movies, friends. This time, she is earning millions from You Tube because of the incidental hit Bawal Lumabas: The Classroom Song, now one of the top 50 songs on iTunes and trending all over social media.
Paano nga ba nagsimula ang lahat?
Kim took the news by storm these past days after she poured out her sentiments regarding the ABS-CBN closure together with some Kapamilya stars via the Zoom app. Naging emosyonal si Kim sa pagpapasara ng NTC ng kanilang home network. Sa kanyang monologue, kinumpara niya ang “Law ng Classroom” sa nangyaring closure.
BASHERS, ATTACK!
Kim was so emotional while she was saying her piece hoping that everyone would get her point. Unfortunately, she wasn’t able to convey her message properly kaya ang ending, nakahanap agad ng butas ang mga bashers para punahin at birahin si Kim. In less than 24 hours, maraming memes, lait at okray ang kumalat sa lahat ng social media platforms!
Nag-explain si Kim and she apologized via her Instagram account na sobrang nadala siya ng emosyon at maging siya ay hindi na rin maintindihan ang ibig niyang sabihin tungkol sa law ng classroom. She thought dahil nasabi na niya ang punto niya, titigil na ang mga haters sa pambu-bully.
But it didn’t stop. In fact, it even worsened.
Aminado si Kim na naapektuhan siya nang husto at ito raw ang isa sa depressing moments ng buhay niya.
SUPPORT SYSTEM
Ilang araw ding hindi hinawakan ni Kim ang kanyang telepono, lumayo siya sa social media at iilan lang ang gusto niyang makaharap. Patuloy namang bumuhos ang suporta kay Kim from all walks of life- including her family, friends and fans. But there are still people who’d rather choose to hate Kim than appreciate her so ayun, patuloy ang pagkalat ng memes at bashing online.
People close to Kim, especially her co-stars, came to her defense and even posted on their social media accounts their support for Kim.
Later on, she realized hindi tinatambayan ang mga ganitong depressing thoughts.
She had to move forward.
And she did.
BAWAL LUMABAS ;The Classroom Song
Ngayon, isa ng kanta ang naging sentimyento ni Kim. Who would have thought that one can turn pain into a song? Through Star Records nag collaborate si Kim at ang sumulat sa kanya ng open letter sa FB na si Adrian Crisanto. Ito ay ginawan ng beat at melody ni DJ Squammy, ang nag post ng viral remix ng “Bawal Lumabas” track.
Ang resuta, the Bawal Lumabas: The Classroom Song has gone viral and earned 10 million views across Facebook and You Tube in just a day.
In fact it was already officially released in all digital platforms last Monday.
Nag collab pa si Kim with DJ Loonyo para ma kumpleto and dance moves para sa kanta.
Lalong pumatok ito sa mga bagets at followers ni Kim sa social media.
Bukod dito may merchandise shirts din si Kim na may design na Bawal Lumabas at ang proceeds nito will be donated for charity (food packages).
She will also donate sa project ni Angel Locsin na mga mass testing kits, para mas lalong safe nang lumabas ‘pag siguradong walang sakit.
Thankful si Kim na sa kabila ng sakit sa loob na natanggap niya sa pambu-bully at bash mas marami pa rin ang nagka-interes at natuwa sa kanta niya.
Hay naku, ‘yan na-bless pa tuloy si Kim dahil sa kakalait ng iba sa kanya.
Pinasikat nila nang husto ang mga dapat sana’y pinalipas na lang na mga sinabi Kim.
Goooo girl!
Bawal pa ring lumabas ha?