80’S MATINEE IDOLS CRIS VILLANUEVA AND ROMNICK SARMENTA JOIN KATHNIEL IN 2GOOD TO BETRUE

Spread the love

2GOOD 2BE TRUE: ABS-CBN’S PRIMETIME KILIG TELESERYE

2Good2 Be True is undoubtedly number one in its prime time slot led by the unbeatable Daniel Padilla and Kathryn Bernardo tandem. Of course, dahil KathNiel ang bida ng show, alam na agad na patok sa fans at talagang mataas ang viewership nito. In an afternoon chikahan with some Regional based members of the media, heart throbs of the 80s Cris Villanueva and Romnick Sarmenta with other cast members joined us.

Siyempre, hindi mabubuo ang kuwento nina Eloy at  Ali kung wala ang iba pa nilang kasamahan na nagbibigay kulay sa kanilang karakter tulad nina Gillian Vicencio, Bianca de Vera, Pamu Pamurada, Alyssa Muhlach at Matt Evans. Since we are still in the tail end of the pandemic, naka-lock in pa rin ang ibang taping set ups at isa nga ang 2Good 2Be True sa naka-lock in bubble. Tulad ng magkakasama sa ganitong mga taping, masaya at parang pamilya na sa set ng 2Good To Be True.

It was a delight to hear their stories at heto  ang kuwento ng dalawa sa mga aktor na hanggang ngayon in demand pa rin.

 

SEASONED CRIS

 

Cris Villanueva started his career in the mid 80s when he was teamed up with then That’s Entertainment and co-Regal Films actress Tina Paner.

To this day, Cris is still one of the bankable stars  in the industry who is active in both film and television.

Isa rin ang aktor sa naka-experience mag-trabaho sa gitna ng pandemya through lock in tapings.

When asked about their working experience in this set up, Cris said that he’s very happy that he’s working with a group of individuals who support each other and bring happy vibes on the set.

Dagdag pa ng aktor, masaya sa set nila, naalala raw niya ang galawan nila nu’ng araw. “I admire  DJ and how he leads the pack, I see DJ take care of everything, na siya ang kuya-kuya sa set, kahit ‘di siya ang pinaka-matanda ‘dun. Si Kathryn ganoon din, she also takes care of everything. Kaya we always look forward to taping days after namin magpahinga.”

Cris’ Love Advice to Loveteams Today

Bilang napagdaanan na rin ni Cris ang mga ini-experience ng mga bagets ngayon na excitement sa kanilang career at loveteam, ano ang love advice  na maibibigay niya sa kanila?

“Love advice? One is unahin niyo ang trabaho. Be professional, ‘yung feelings eh dapat mas private ‘yun. Kung meron kayong dapat i-discuss  about your personal relationship, mas magandang hindi sa social media.

One thing I love about KathNiel noh, kasi napaka-professional talaga.  Sinasabi ko nga ‘pag nagdi-discuss kami ng wife ko…I admire them dahil ‘yung ano nila hindi apektado ‘no?”

Maging sa set daw nila ay magaan at masaya ang samahan. “ Makikita mo na very light ang portrayal. Naka-set ang character ni Ali (Kathryn), fun pa rin si Eloy (DJ). Di mo makikitaan na sinasali nila ang personal.

Saka ‘yung growth ng bawat loveteam, ngayon ha, makikita mo ang pag-flourish ng kanilang roles.

Kami noon pa-tweetums -tweetums lang eh. Pero ngayon iba na, nag-evolve na talaga ang loveteams. Kahit ako kinikilig na rin sa kanila eh.” says Cris who is now one of the seasoned actors we have in the industry.

 

ROMNICK’S CHARM

Those who grew up watching Pinoy soap operas know that Romnick started as a child actor until he became a matinee idol in the late 80’s to mid 90’s.

Until today Romnick is one of the country’s top calibre actors and like Cris, he too, is still in demand in both film and TV shows.  Kaya tinanong namin ang aktor how would he compare the loveteams of today sa kanilang generation? Kung ating matatandaan, isa sa phenomenal loveteams ng mid-80’s and 90’s ‘yung sa kanila ni Sheryl Cruz.

“Nu’ng panahon kasi namin, isa sa malaking factors ang fan base, ‘yung mga sumusuporta sa inyo, mga naniniwala sa ‘tin. Plus ‘yung mga projects na nagagawa niyo together, malaking factor ‘yun eh kasi kinakailangan ‘yun hindi lang sa pag-arte kundi sa takbo ng istorya. Plus ‘yung mga projects na binibigay sa inyo malaking factor ‘yun para  makatulong sa isang loveteam.

What can you say about the loveteams now compared during your time?

Siguro ang  malaking kaibihan ng loveteams noon sa ngayon, mas mature ‘yung mga characters  na pinu-portray nila kesa sa amin noon. Kasi noon ang loveteams  (sa pelikula o TV) pa-tweetums lang eh. Ang mga problema nila pang high school.

‘Yung mga loveteams ngayon mabibigat ang dinadala sa buhay eh. Pero nakakatuwa dahil ang ma-mature nila and generally, loveteams now focus  more on self-image” sabi pa  ni Romnick, who remains one of the actors na magalang sumagot at talagang hinahangaan sa kanyang pagganap.

 

Watch Ali and Eloy’s love story unfold on 2Good Too Be True showing simultaneously on Kapamilya Channel, A2Z and TV 5, weeknights at 8:40 pm.

You can also watch KathNiel on social media platforms– NetFlix, Facebook and You Tube.